Komprontasyon ng mga Palestinians at Israeli forces sa Jerusalem nauwi sa gulo

Sa kabila ng pinaiiral na ceasefire sa Gaza strip, gumamit pa rin umano ng mga stun grenades at rubber bullets ang Israel security forces laban sa mga Palestinian sa labas ng al Aqsa mosque sa Jerusalem na dinagsa ng mga mananampalataya kahapon, araw ng Biyernes.

Ayon sa ilang international journalist na nasa lugar, maging sila ay pinalo ng mga baton at tinangka pa silang tutukan ng baril sa kabila ng pagpapakita ng mga ito ng kanilang press cards.

Inihayag naman ng isang police spokesperson sa lugar na rumensponde lang ang kanilang mga tauhan sa riot ng daan-daang kabataang Palestinians kung saan pinagbabato pa umano ng mga ito ang police forces.

Kinumpirma naman ng Palestinian Red Crescent na umabot sa 20 sugatan ang kanilang ginamot matapos ang engkuwentro.

Mariin namang kinondena ng Palestinian authority ang tinawag nilang ‘incursion” ng Israeli police sa compound ng mosque.

Matatandaan na sumiklab ang tensiyon sa pagitan ng dalawang puwersa noong May 10 dahil sa ilang isyu ng eviction sa ilang Palestinian families.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *