Kongresista, pinaiimbestigahan na ang pagkapanalo ng higit 400 sa Grand Lotto 6/55

Pinaiimbestigahan na sa Kongreso ang pagkapanalo ng mahigit sa apat na raang mga mananaya sa Grand Lotto 6/55.

Inihain ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang House Resolution No. 463 na layong siyasatin ng mga mambabatas kung mayroon bang anomalya sa tinatatawag nilang ‘extremely rare outcome’ sa resulta ng bolahan.

Inaatasan nito ang House Committee on Games and Amusements para alamin kung papaano nangyari ito at kung mayroon bang lutuan sa resulta.

Matatandaaang ang mahigit sa apat na raang nanalo ay maghahati-hati sa P236Million na Jackpot Price.

Una nang tiniyak ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na handa silang humarap sa pagdinig sa Kongreso.
#

RELATED STORIES:

PCSO, bukas sa gagawing imbestigasyon sa higit 400 winners ng Grand Lotto

PCSO, nanindigang walang iregularidad sa 433 jackpot winners sa Grand Lotto

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *