Kongresista, pinuna ang malaking pondong inilaan sa  farm-to-market roads sa home provinces ni Marcos

Pinuna kahapon ng isang kongresista ang malaking farm-to-market road funds na inilaan sa mga sariling probinsya ng mga Marcos at Romualdez.

Tinukoy ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro  ang Rehiyon ng Ilocos at Silangang Visayas na nangungunang tatanggap ng mga farm-to-market roads sa ilalim ng budget ng Department of Agriculture.

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nagmula sa Ilocos Norte. Samantala, ang pinsan ni Marcos na si House Speaker Martin Romualdez ay kinatawan ng unang distrito ng Leyte, isang lalawigan sa Eastern Visayas.

Sa isang pahayag , sinabi ni Castro, na tila isang political payback ang paglalaan ng budget sa mga rehiyong ito.

Sa Eastern Visayas, ang farm-to-market road budget ay tumaas mula P513 million ngayong taon hanggang P1.612 billion noong 2023.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *