Kongresista sa Albay hangad na itigil na muna ang Occupational Permit ngayong Covid-19

LEGAZPI-Nanawagan ang isang kongresista sa mga lokal na gobyerno na itigila na muna ang muna ang pag require ng Occupational Permit sa mga mangagawa lalo na at kasama sa pag apply para sa permit na ito ay ang NBI at Police clearance.

Ayon kay Congressman Alfredo Pido Garbin ng Ako Bicol Party List, ay karagdagang pabigat sa mga mangagawa. Aniya, maliban sa dagdag gastusin, nilalalgay pa umano sa panganib ang kalusugan ng publiko sa pag pila para lamang makakuha ng mga requirements at ang permit na ito.

Dagdag pa niya, counter-productive and pag kuha ng occupational permit sa panahon ng pandemya na kung saan iniiwasan ang pag titipon at pag labas sa bahay.

Samantalang, nababahala rin ito sa panukala ng Philippine National Police na gawing requirement ang police clearance upang ang mga Pilipino ay makapag transaction sa Department of Labor and Employment.

Maliban umano sa pabigat ito sa gastos at dagdag sa red tape, wala umano itong nakikitang relasyon sa police clearance at sa Department of Labor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *