Kongreso: 2023 National Budget, maisasaipal bago mag-pasko

Naniniwala ang mga lider ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso na mabilis na maipapasa ang P5.268Trillion na 2023 National Budget.

Matapos ang unang araw ng Bicameral Conference Committee sa Manila Golf Club kaninang tanghali, sinabi ng mga miyembro ng House at Senate contingents na maaaring ma-enact ang budget bago pa ang Pasko.

Wala pa man kasing Disyembre, inumpisahan na ang bicam at napagkasunduan na ng dalawang Chambers ang pag-adopt sa Medium-term Fiscal Framework (MTTF) bago ang deliberations.

Sinabi ni Senate Finance Committee chairperson Sonny Angara na ito ang unang pagkakataon na mabilis na-adopt ang MTFF.

Dahil dito, posible umanong mabuo na ang reconciled version ng General Appropriations Bill o GAB sa susunod na linggo.

Ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez, mayroon pa silang sapat na oras para maipasa ang batas at tiyak na hindi mare-reenact ang budget.

Sa pamamagitan ng 2023 Budget, tiyak umanong makakamit ang agenda ng Pangulo sa ilalim ng eight-point socio-economic development plan.

Kumpyansa si House Appropriations Committee chairperson Rep. Zaldy Co na ang final version ng GAB ay makatutulong para sa pagligka ng mga trabaho, at mapanatili ang inflation sa ‘manageable range’.

Bago ito, una nang kinumpirma nina Angara at senior vice chair ng House Appropriations committee na si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na mayroong P215Billion na realigned appropriation sa bersyon ng Senado; habang mayroon namang P77.5Brillion na realignment sa House version.

Pinangunahan ni Angara ang grupo ng mga senador, kasama sina senators Loren Legarda, Pia Cayetano, Cynthia Villar, Imee Marcos, Win Gatchalian, Bato Dela Rosa, at Bong Go.

Kasama rin sina senators Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, Francis Tolentino, Mark Villar, JV Ejercito, Alan Cayetano, Chiz Escudero, at Jinggoy Estrada.

Ang 14-man contingent naman ng Kamara ay binubuo nila House Committe on Appropriations chairperson Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, vice chair Stella Quimbo, vice chairmen ng kumite na sina Quezon 2nd District Rep. Jay-jay Suarez; Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales; Agusan del Norte 1st District Rep. Joboy Aquino; at Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon.

Pasok din sa contingent ng Kamara sina Deputy Speakers Ralph Recto at Dong Gonzales; Majority Leader Mannix Dalipe; Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos; Committee on Accounts vice chair Budoy Madrona; at Committee on Ways and Means member Michael John Duavit.

Para sa Minority bloc, bahagi ng contingent sina Minority Leader 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan; at independent minority Albay Rep. Edcel Lagman.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *