Kongreso, hinimok na imbestigahan, itigil ang pagbaba ng taripa sa rice imports

Hinimok ng Federation of Free Farmers (FFF) ang House of Representatives na imbestigahan at isuspende ang pagpapatupad sa Executive Order No. 135, na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapababa ang taripa sa rice imports mula sa non-Asean countries.

Ayon sa FFF, ang pagbawas sa taripa ng rice import tariffs ay “totally unjustified.”

Mababatid na sa ilalim ng EO ng pangulo, pansamantalang binawasan ang taripa ng most favored nation (MFN) para sa bigas sa 35 percent mula sa 40 percent para sa in-quota imports at 50 percent para sa out-quota imports.

Paliwanag ng Malacañang, ang direktiba ay layuning ma-diversify ang market sources ng bansa, madagdagan ang suplay ng bigas, at mapanatili ang abot-kayang presyo, at mabawasan ang pressures sa inflation.

Pero giit ng grupo, “baseless” ang grounds na inilarawan sa tariff adjustment, at sinabing ang pagbawas sa taripa ng rice import tariff sa pamamagitan ng EO ay “surreptitiously at improperly done.”

Samantala, kinuwestiyon rin ni Sen. Francis Pangilinan, na nagsisilbing presidential adviser on food security noong panahon ng Aquino administration, ang kapangyarihan ng presidente  na bababaan ang taripa. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *