Kongreso tatapusin sa loob ng 24-hour ang canvassing ng mga boto pagka-President at VP

Target ng Kongreso na makuha sa loob lang ng 24-hour ang pag-canvass ng mga boto sa May 9 presidential at vice-presidential races.

Ayon kay House of Representatives Secretary General Mark Llandro Mendoza, nakatakdang magsimula mamayang alas 10:00am ang canvassing, kung saan ang Senado at Kamara ang uupo nilang National Board of Canvassers (NBOC).

Sa oras na mag-convene ang NBOC convenes, sinabi ni Mendoza na aasahan ang straightforward process, kung saan walang anumang breaks o suspensyon ng sesyon.

Una nang sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco trabaho ng Kongreso bilang NBOC, na tiyaking ang buong proseso ng vote counting at transmission ng resulta ay gagawin ng mas mabilis at may transparency at integrity.

Samantala, inihayag ni Mendoza na ang canvassing board ay magkakaroon ng alternate members na magsasalitan ng shifts sa loob ng planong 24-hour canvass.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *