Konsehal SB Bito-Onon, hindi raw nakakaintindi ng civil service code- tagapagsalita ni Narra Mayor Danao

Binuweltahan ng tagapagsalita ni Narra Mayor Gerandy Danao ang pahayag ng isang konsehal tungkol sa ginaganap na flag raising ceremony tuwing araw ng Lunes.

Ayon kay Jojo Gastanes, mukhang hindi nakakaintindi ng civil service code si SB Joel Bito-Onon at kung bakit “Big deal” para dito ang haba ng seremonya.

Paliwanag ni Gastanes, tuwing lunes ay nagtatanong si Mayor Danao sa mga pinuntahan o opisyal na lakad ng mga kapwa opisyal ng bayan kaya tumatagal ang seremonya.

Idinagdag ni Gastanes na bahagi iyong ng tungkulin o kapangyarihan ng alkalde na magtanong at magbigay ng instruction kaya hindi na raw ito dapat na gawin pang isyu ni SB Bito- Onon sa halip intindihin ang di umano’y disqualification case.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *