Konseho ng Naga City, tiniyak na aaksyon sakaling mapatunayan ang aligasyong pananakit ng isang bagong halal na Brgy. Kapitan sa lungsod

NAGA CITY – Nakarating na sa isang City Councilor sa Naga, ang umano’y pananakit ng isang bagong na-elect na Barangay Kapitan, sa dalawang minor de edad.

Sa panayam kay Konsehal Omar Buenafe, Chairman of Committee on Peace and Order, wala pa silang hawak na malinaw na detalye kung ano ang tunay nangyari, kung sakali man na mapatunayan, sinabe naman nitong hindi nila itotolorate ang ganitong insidente lalo na’t maglilingkod sa barangay ang suspek, agad naman nilang aaksyunan lalo pa’t may Ethics and Blue Ribbon Committee sa konseho na humahawak sa anumang reklamo laban sa mga opisyal ng barangay o pamahalaan.

Ayon pa sa opisyal malaki ang magiging epekto nito lalo na’t ang ama dapat ng barangay ay matulungin at mapagmahal.

Sa ngayon kapwa ang suspek at mga biktima ay nasa pangangalaga ng Naga City Police Office, agad din naman kasing nakapagresponde ang himpilan at kasalukuyang nag-iimbistiga pa lalo na’t nasa kilalang pamilya ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *