LEGAZPI CITY – Posibleng simulant na sa susunod na buwan ng taong ito ang konstruksyon ng limang school sites sa unang distrito ng Albay ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st District.
Ayon kay Allan Imperial, ang Human Resource and Administrative Section ng 1st District Engineering Office ng nasabing tanggapan, sa ilalim ng basic education facilities fund na nagkakahalagang P62M ay maaari nang masimulan ang konstruskyon ng mga paaralan sa nasabing distrito.
Ito ay ang 2 storey-6 classrooms sa Estanza Elementary School sa Malinao; 2 storey-4 classrooms sa Baybay Elementary School sa Tiwi; 1 storey-3 classroom sa Sugod Elementary School sa kaparehong bayan; 1 storey-3 classrooms sa Rawis Elementary School ng Tabaco at 4 storey-12 classrooms sa Tabaco National High School.
Inaasahan din nito na hindi lamang ang mga nabanggit na paaralan o lugar sa unang distrito ang kanilang pagtatayuan dahil naunang batch lamang ito at may ikalawang batch na isusunod na rin sa konstruskyon.
Ang mga nasabing paaralan ay matagal nang napagplanuhan, ngunit ngayon lamang masisimulan dahil ibinalik na sa DPWH ang konstruskyon.
Maliban pa rito, itong taon lamang nababaan ng pondo ang tanggapan para sa konstruskyon ng mga paaralan sa lalawigan.