Konstruksyon ng Cavite-Batangas Expressway (CBEx), may green light na

Inaasahang masisimulan na ang kontruksyon ng 27-kilometer na Cavite-Batangas Expressway (CBEx) na siyang magkokonekta sa Silang, Cavite at Nasugbu, Batangas.

Ito ang kasunod sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng San Miguel Holding Corporation at lokal na pamahalaan ng Cavite para sa pagtatayo ng P27-billion expressway nitong Pebrero 7.

Una rito ay nai-award sa SMHC ang naturang joint-venture agreement at tollway concession agreement.

Ang CBEx na inaasahang makokompleto sa 2026 ay magkokonekta sa Silang, Amadeo, Tagaytay, Indang, Mendez at Alfonso sa Cavite at sa Nasugbu, Batangas.

Ayon kay Cavite Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla, tinatayang nasa 40,000 na mga motorista ang makikinabang sa CBEx kada araw sa unang tatlong taong operasyon nito.

Sa mensahe ng SMC, mapapabilis umano ng CBEx ang biyahe mula National Capital Region patungong Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon at vice versa.

Malaking kaginhawaan din umano ito sa masikip na daloy ng trapiko sa CALABARZON.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *