Konstruksyon ng Common Station sa Metro Manila, ipinasilip sa publiko

Ipinasilip sa publiko ang konstruksyon ng Unified Grand Central Station o Common Station sa Metro Manila sa pamamagitan ng isang Facebook post ng Above The Philippines.

Kokonekta ito sa apat na naglalakihang railway infrastructures ng Department of Transportation (DOTr) kabilang ang MRT-3, LRT-1, MRT-7 at Metro Manila Subway sa ilalim ng Build, Build, Build program ng kasalukuyang administrasyon.

Katuwang nito ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3), Light Rail Transit Authority-LRT2 (LRTA), Philippine National Railways (PNR) at ilang private partners katulad ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) at SMC Infrastructure.

Samantala, aabot sa 500,000 na mga pasahero ang maaaring makinabang dito araw-araw kapag makumpleto ang nasabing proyekto. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *