Konstruksyon ng pinakamalaking Solar Powered Irrigation System sa Bicol, nagpapatuloy

BNFM Bicol-NAGPAPATULOY ang konstruksyon ng pinakamalaking Solar Powered Irrigation System (SPIS) sa Bicol na tinatayang aabot sa sampung milyong piso ang halaga at kayang magbigay serbisyo sa mahigit 30 ektaryang lupang sakahan.

Ang SPIS ay isang uri ng small-scale irrigation system na pinatatakbo ng solar energy at binubuo ng mga teknolohiya na pinagsamang solar panel, pambomba, electronic controls para sa operasyon, kongkretong mga kanal, mga tangke ng tubig, conveyance structures at pump houses na mas matipid kumpara sa mga de-gasolinang makinarya.

Layunin ng SPIS ng D.A na maisulong ang pangangalaga at tamang paggamit ng mga lupa at nakukuhang tubig upang makamit ng mga magsasaka ang productivity at mas malaking kita.

Samantala, sa kasalukuyan nakapagpatayo na ng 29 na mga Solar Powered Irrigation System ang ahensya para sa mga magsasaka sa buong Bicol simula 2017-2023. ### Nico Merciales, Intern

Photo from Web

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *