Konstruksyon ng PTC Cagayan, isasagawa ng mga carpentry ncii scholars

Isasagawa ng mga PTC Cagayan scholars na kumukuha ng carpentry NC II sa ilalim ng Training-Cum-Production scheme ang konstruksyon sa TESDA Cagayan Provincial Training Center sa Brgy. Nassiping Gattaran, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang 1000 sq. meter na pagpapatayuan ng PTC Cagayan ay pinondohan ng 600, 000 pesos kung saan umaasa ito na matutugunan ang request ng mga kababayan sa mas malapit na training center sa kanilang lugar..

Sa ibinahaging pahayag ni TESDA Cagayan Provincial Director Archie Grande, ang pagpapatayo ng naturang training center ay isasagawa ng mga PTC Cagayan Scholars.

Kaugnay dito, kapag nakumpleto umano ang building ay pitong programs ng TESDA ang iaalok na kinabibilangan ng Driving NC II, Bread and Pastry Production NC II, Tile Setting NC II, Organic Agriculture NC II, Masonry, Carpentry at EIM NC II.

Inihayag naman ni Senior TESDA Specialist Felicidad Badajos na ang LGU Gattaran ang kauna-unahang nag-aproba sa request ng TESDA sa pagkakaroon ng building na gagamiting training center.

Layunin ng pagpapatayo ng PTC Cagayan na matugunan ang lumalaking pangangailangan sa skills training at certification.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *