Konstruksyon ng Salvacion-Taris road sa Catanduanes, nakikitang magpapa-angat sa turismo ng lugar

BNFM BICOL – Opisyal nang natapos ang konstruksyon ng Salvacion-Taris Road na papunta sa Taris Beach sa Barangay Salvacion, Baras, Catanduanes na nagkokonekta naman sa Catanduanes Circumferential Road ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Catanduanes

Ayon sa Municipal Tourism Office ng bayan, malaking ang magiging ambag ng Salvacion-Taris Road sa pag-unlad at pagsulong ng turismo  dahil mas madali ng mapupuntahan ang mga tourist destination sa  lugar.

Sinabi naman ni District Engineer Simon S. Arias na ang layunin ng proyektong ito ay para mas mapadali at maging ligtas ang transportasyon ng mga komyuter papunta sa nasabing lugar.

Dagdag pa nito, mas mapapadali na rin ang paghahatid ng mga mangingisda ng kanilang mga produkto o huli sa kanilang mga retailers at consumers.### Pauline Manga, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *