Konstruksyon ng Turud-Banquero bridge, sinimulan ng ng DPWH-3rd district

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways 3rd District ang konstruksyon sa Turud-Banquero Bridge Phase 2 sa Reina Mercedes, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inihayag ni OIC-District Engineer Adonis Asis na ang konstruksyon sa naturang tulay ay matagal nang hiling ng mga residente roon upang mapadali ang transportasyon dahil sa ngayon ay kinakailangan pa nilang sumakay sa bangka upang makatawid.

Bukod dito, mababawasan nito ang oras ng paglalakbay kung saan mapapabilis na ang pag-access sa pagdadala ng mga lokal na produkto at serbisyo sa mga sentro ng kalakalan.

Pinondohan ang naturang proyekto ng 29 milyon pesos na nakatakdang matatapos sa buwang ng Hulyo ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *