Kontaminadong tubig at improper food handling, sanhi ng mga kaso ng acute gastroenteritis sa El Nido

Nakapagtala ang bayan ng El Nido ng 674 na kaso ng Acute Gastroenteritis (AGE) base sa datos ng Municial Health Office ng EL Nido mula Enero- Hulyo 2022.

Na-diagnosed ito sa mga pasyenteng nagpapakita ng sintomas gaya ng lagnat, diarrhea o pagsusuka.

Sa naturang bilang 219 rito ay local cases habang 455 ang mga turista na sanhi umano ng contaminated seawater, contaminated drinking water at improper food handling, ayon kay MHO Officer Dra. Jo-Ann P. Huerto.

Sa ginanap na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan kahapon, may ginagawa na umanong aksyon para solusyonan ang problemang ito sa munisipyo katulad ng pagsasagawa ng regular na water quality monitoring sa mga commercial at public drinking sources, pag-iisyu ng sanitary order, regular na pagsasagawa ng disinfection sa mga public drinking water sources, pagsasagawa ng food safety & sanitation management training, information and education campaign at regular na inspeksiyon ng mga food establishment sa lugar.

Kaugnay nito, inirekomenda rin sa presentasyon ni Dr. Huerto ay ang pagtatayo ng centralized food preparation area, mandatory connection ng lahat ng mga kabahayan at establisyemento sa El Nido Sewage and Solid Waste Treatment Plant (STP) at El Nido Water and Sanitation System (ENWSS) at re-activation ng Local Drinking Water Quality Monitoring Committee.

Ang pahayag ng local health authority ay bunsod ng privilege speech ni Board Member Juan Antonio E. Alvarez noong nakalipas na Linggo na may layuning malaman ang tunay na pinagmulan ng mga naitatalang kaso ng diarrhea sa munisipyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan gayundin ang mga turista na bumibisita sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *