Kontrobersyal na confidential at intelligence funds, gigisahin sa Senado

Ngayong araw ay inaasahang tatalakayin na sa Senado ang mga confidential and intelligence funds o CIF na hinihiling ng iba’t ibang mga tanggapan ng Gobyerno.

Ayon kay Senate Finance Committee chairperson Senador Sonny Angara, uumpisahan na ang budget ammendments para sa propsed P5.26Trillion National Budget para sa taong 2023.

Kasunod ng pag-terminate ng mga plenary debates para sa mga hiling na budget ng mga government agencies – tatalakayin naman ngayon ang mga dapat amyendahan sa mga ipinapanukalang pondo.

Paliwanag ni Angara, isasagawa ang pag-resolba sa mga disagreements sa budget sa pamamagitan ng nominal voting.

Ito ay kasunod ng pagtutol ng ilang mga mambabatas sa mga aprubadong pondo lalo na sa mga confidential funds.

Kasama na rito ang P500Million na CIF ng Office of the Vice President; at P150Million na CIF ng Deparment of Education – dalawang tanggapan na parehong pinamumuuan ni Vice President Sara Duterte.

Tiniyak naman ni Angara na hindi ito basta-bastang tatanggalin, at titimbangin mabuti ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pangangailangan para sa pag-apruba nito.
#

RELATED STORIES:

P2.3-bilyon na pondo ng OVP sa 2023, sigurado na matapos na walang pagtutol sa Senado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *