Koordinasyon ng PNP CamSur sa Anti- Kidnapping Unit,  tiniyak re: 2 dayuhang natagpuang patay

CAMARINES SUR- Formally turned over na sa Anti-Kidnapping Unit ng Philippine National Police ang pag-iimbestiga sa pag-kidnap at pagpatay sa Chinese at Chinese American na negosyante na natagpuan sa Patitinan , Sagñay, Camarines Sur pero patuloy ang koordinasyon at pakikipatuungan ng pulisya sa lalawigan.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMAJ Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office kasunod pagkumpirma ng PNP na may persons of interest na sa naturang krimen.

Mababatid na sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na June 20 nang dumating sa bansa ang dalawa, ang isa sa mga ito ay managing director ng medical technology, pero na kidnap at hiningian ransom, naibigay naman ng pamilya subalit pinatay pa rin at itinapon sa Sagñay ang bangkay. Hindi pa natukoy ang motibo sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *