Korean national nanakit at nanutok ng baril sa mag-asawa sa Daraga, Albay

LEGAZPI-Arestado ang isang Korean National matapos ang pananakit at pangbabanta sa isang mag asawa sa Purok 2, Brgy. Bascaran bayan ng Daraga, lalawigan ng Albay.

Nakilala ang suspek na si Whong Kyoung Yang a.k.a Esteban Tuazon, 87 anyos kasal na kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay.

Samantalang nakilala ang biktima na sina Wilfredo Lorica Lirio, 53 anyos na isang driver at asawa nito na si Lorna Millano Lirio, 56 anyos na residente din ng nasabing lugar.

Napag alaman na habang ang biktima ba si wilfredo ang naglalakad sa kalsada, biglang lumapit ang suspek at minartilyo ito dahilan ng sugat sa katawan.

Matapos nito, binitbit pa ng suspek ang biktima papuntang bahay nito habang nakatutok ang baril habang nagsasalita sa lengwaheng engles.

Buti na lamang at agad na rumesponde ang mga personnel mula sa 2nd APMFC kasama ang mga  barangay officials.

Nakuhaan ang suspek ng (1) “ARMSCOR” 202 Cal. 38 SPL pistol na may Serial Number 66650 na walang kargang bala at isang martilyo na ginamit sa krimen.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng PNP Daraga para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *