Koronadal, magtatayo ng sariling Covid-19 isolation facilities

KORONADAL CITY — MALIBAN sa paggamit ng mga paaralan sa Koronadal bilang Covid-19 isolation facilities, kinumperma ni City Mayor Eliordo Ogena na magpapatayo din ang lungsod ng sarili nitong Covid-19 isolation facility.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa alkalde, kinumperma nitong nasa bidding na ang nasabing proyekto na ilalagay sa likurang bahagi ng old city hall ng Koronadal.

Maliban dito, gagamitin din umanong isolation facility ang bagong building na kino-construct ngayon sa Barangay Concepcion na halos 80% nang tapos. Dagdag pa ni Ogena na bahagi lamang ito ng paghahanda ng city government sa posibilidad na tatagal pa ang Covid-19.

Una rito, tatlong malalaking public schools na sa Koronadal ang ginawang Covid-19 isolation facilities na kinabibilangan ng Marbel – 1 Elementary School, Koronadal Central Elementary School — 1 at Koronadal National Comprehensive High School o KNCHS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *