Koronadal, naka-alerto sa kalamidad

KORONADAL CITY- NAKA-ALERTO ngayon ang City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ng Koronadal dahil sa mga nararanasang mga pag-ulan at malakas na hangin kahapon ng hapon.

Ito ang inihayag ni CDRMMO Officer Cyrus Jose Urbano sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Urbano, may mga natumbang puno ng kahoy at may mga nasirang bahay dahil sa malakas na hangin, Martes ng hapon. Maswerte naman umanong walang nasaktan sa insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang assessment ng tanggapan sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente para sa posibleng tulong na iaabot sa mga ito.

Una rito, nakatanggap ng award ang CDRRMO – Koronadal mula sa Office of the Civil Defense sa ilalim ng Gawad Kalasag Program dahil sa maayos na pag-responde nito sa mga kalamidad na nangyayari sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *