Koronadal, nakapagtala ng 8 kaso ng rabies

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA ng walong kaso ng rabies ng aso ang lungsod ng Koronadal noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni City Veterinarian Dr. Charlemagne Calo kung saan kumpirmadong hindi nakatanggap ng anti-rabies vaccine ang mga ito.

Ayon kay Calo, na endemic ang kaso ng rabies sa lungsod at hindi nawawalan ng posible panggagalingan ng kaso.

Sa datos na inilatag ng opisyal, nasa ang 10,000 na mga aso ang target na mabakunahan noong 2020, ngunit nasa 12,000 ang naipatupad; nasa 13, 350 ang target noong 2021 ngunit pumalo sa 21, 372 ang nabakunahan.

Bumaba naman noong 2022 dahil nasa 13, 636 lamang ang nakatanggap sa target na 23,000 na mga aso; samantala nasa 6,000 lamang ang nakatanggap ng bakuna sa 15,000 na target ngayong 2023 ngunit pinapasiguro ni Calo na ito ay magpapatuloy pa.

Dagdag ng opisyal na ngayong 2023, nagtala ang lungsod ng tatlong positibong kaso ng rabies.

Binigyang diin ni Calo na nasa 100% ang mortality rateang rabies, ngunit 100% din umano ang kaligtasan kung magiging disiplinado ang lahat sa pag-aalaga ng kani-kaniyang mga aso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *