Koronadal, nakatanggap ng limang pagkilala mula sa CMCI

KORONADAL CITY- PERSONAL na tinanggap ni City Mayor Eliordo Ogena ang limang pagkilala na ibinigay sa lungsod ng Koronadal sa isinagawang CMCI Regional Awarding sa Greenleaf Hotel, General Santos City.

Ang nasabing pagkilala ay kinabibilangan ng Government Efficiency – 19th place, Infrastructure – 39th place, Innovation – 37th place, Most Competitive – 22nd Overall, at Most Improved Component City.

Ayon kay Ogena, kailangan na mahikayat ang publiko at ang mga komunidad na maging competitive at dapat mayroong mabuting kinabukasan.

Napag-alaman na ang City of Koronadal una nang kinilala bilang 3rd Most Resilient Component City sa buong bansa noong Oktobre 20, 2022 na isinagawa sa Philippine International Convention Center.

Ang 9th CMCI Regional Awarding ay pinangungunahan ng Department of Trade and Industry Region XII na kumikilala sa iba’t ibang mga lokal na gobyerno sa SOCCSKSARGEN region na may potential na maging competitive LGUs sa buong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *