Korte, naglabas na ng arrest warrant laban sa anim na mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar

Inilabas na ng Navotas Regional Trial Court Branch 286 ang warrant of arrest laban sa anim na mga pulis na sangkot sa pagpatay sa binatilyong si Jemboy Baltazar.

Inisyu ang warrant para sa kasong murder laban kina: Police Executive Master Sergeant Roberto Dioso Balais Jr. (SWAT); Police Staff Sergeant Antonio Balcita Bugayong (Intelligence Service or IS); Police Staff Sergeant Gerry Sabate Maliban (IS); Police Staff Sergeant Nikko Pines Corollo Esquillon (SWAT); Police Corporal Edmark Jake Sorbito Blanco (Sub-Station 4 or SS4) ant Patrolman Benedict Danao Mangada (SS4).

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Samantala, itinuturing naman daw na ‘small victory’ ng mga naulila ni Jemboy ang inisyung warrant ng Korte.

Ayon kay Atty Ansheline Bacudio – abugado ng pamilya Baltazar – wine-welcome nila na murder at hindi na lang reckless imprudence ang kaso sa anim na mga pulis.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ibig-sabihin, mas mabigat daw ang parusang kanilang kahaharapin, at non-bailable na rin ito.

Sa huli, tiniyak nilang umpisa pa lang daw ng kanilang laban dahil magpapatuloy silang mag-demand ng accountability laban sa mga pumaslang sa binatilyo.