Kotse patungong Samar nahulog sa kanal sa Nabua Camarines Sur; mga sakay nagtamo ng minor injuries

NAGA CITY- Nahulog sa kanal ang isang kotse sa Nabua Camarines Sur, nadamay pa ang nabangga nitong tricycle.

Sa imbestigasyon ng mga otordidad nangyari ang aksidente sa Brgy Lourdes Young, Nabua  bandang alas 10:30 Lunes ng umaga.

Tinatahak nina  Jacinto Siervo Jr. y Doculan, 44 -anyos ng Correctional Rd, Mandaluyong City at mga kaanak na sina Clara Siervo, 76 -anyos,  Mido Claire, Norine Siervo at  Saphia Panes mga residente ng ng San Roque, Northern Samar ang daan patungo sa huling nabanggit na lugar mula Maynila.

Ayun sa mga saksi bigla na lamang nag-iba ang direksyon ng kotse at nabangga ang nakaparadang tricycle na pagmamay-ari ni  Lourdes Bergonia-Hugo. Nadamay din ang motorsiklo ni Josephine Pagallaman-Rull. Mabuti na lamang at wala ang mga sakay.

Kinumpirma sa Brigada News FM Naga ng Nabua PNP na nakaidlip ang driver.

Nadala sa pagamutan ang mga nasa kotse na nagtamo ng minor injuries. Mababaw ang tubig kaya nakaalis sila kaagad sa sasakyan.

Photos courtesy: Elmer Registrado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *