Kris Aquino, nilinaw na best male friend lang si Mark Leviste

Mabilis na nilinaw ni Kris Aquino ang uri ng relasyon nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa pagkomento sa Instagram post ni Leviste noong Miyerkules, sinabi ni Aquino na hindi sila magkasintahan.

Pagkatapos ay sinabi ng dating TV host na “best male friend” niya lang si Lesviste.

Si Leviste ay lumipad sa Estados Unidos sa ika-52 kaarawan ni Aquino, na kasabay din ng Araw ng mga Puso.

Ilang espekulasyon ang kumalat kay Leviste at Aquino sa pagsisimula ng taon,nang mag-post ang bise gobernador ng larawan nilang magkasama noong New Year’s Day sa California.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *