Kris Bernal, Perry Choi, ibinahagi ang Day 1 ng kanilang wedding planning

Ibinahagi nina Kris Bernal at Perry Choi ang “Day 1” ng kanilang wedding planning.

Mababasa sa description ng Youtube video: “THIS IS JUST DAY 1 OF THE WEDDING PLANNING! Chikahan muna! Since you are part of my life and you are part of my journey in this Youtube Channel, I’ll share with you one of my most anticipated lifetime event preparations: My wedding with Perry,”

Doon ay makikita ang pakikipag-usap ng aktres sa mga wedding suppliers kung saan ay natanong siya ng mga ito kung bakit niya nais magpakasal ngayong taon.

Bukod sa pagsunod sa kanilang orihinal na plano, ay sinabi ni Kris na nais ng angkong at ama (lola at lolo) ni Perry na masilayan pa ang kanilang magiging apo sa tuhod.

Napaamin naman ang aktres sa kanilang chikahan na kabilang sa mga bagay na kinatatakutan niya sa pagiging kasal ay ang posibilidad na mawalan siya ng showbiz projects.

Inihayag naman ni Kris na nagdesisyon sila ni Perry na baguhin ang kanilang pre-pandemic plans, at gumawa ng bagong plano na base sa new normal.

Matatandaan na na-engage sina Kris at Perry noong February 2020 at bukod sa kanilang kasal, ay binubuo na rin ng dalawa ang kanilang dream house.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *