Kris, inihayag na nagkapatawaran sila ng kaniyang kuya PNOY bago ito pumanaw

Inihayag ng TV host at actress na si Kris Aquino na nagkapatawaran na sila ng kaniyang kapatid na si dating Pangulong Benigno S. Aquino III bago ang pagpanaw nito.

Nasawi ang dating Pangulo sa edad na 61-anyos noong umaga ng Huwebes dahil sa renal disease secondary to diabetes, base sa naging pahayag ng kaniyang pamilya na binasa ng kapatid niya na si Pinoy Aquino Abellada.

Hindi naman idinetalye ni Kris kung ano ang naging rason ng kanilang alitan.

Sinabi niya ito sa kaniyang pagharap sa mga miyembro ng media sa Heritage Park sa Taguig City, kung saan ay na-cremate ang labi ng kaniyang kuya.

Sinabi ni Kris, “God blessed me, because we made our peace. That is private. I would like to keep that for myself. But I am so grateful na binigay iyon sa akin”

Mababatid na naging open si Kris, na pinakabata mula sa limang magkakapatid, sa kaniyang kumplikadong relasyon sa kaniyang kuya sa mga nakalipas na taon.

Noong kalagitnaan ng 2018 ay isiniwalat niya na hindi sila okay ni PNOY, ngunit hindi niya naman sinabi ang rason kung bakit.

Tumagal ang kanilang alitan ng halos dalawang taon kung saan ay hindi rin sila nagkaroon ng komunikasyon.

Tanging ang mga anak lamang ni Kris na sina Joshua at Bimby, na kilala sa pagiging malapit sa kanilang tito, ang nakikipagkita sa dating Pangulo ng regular.

Noong February 2020, lang muli nagkita ang magkapatid sa kasal ng kanilang family friend.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *