Kulay itim na mansanas na matatagpuan sa China, nagkakahalaga ng P400 ang bawat piraso

CHINA– Tuwing kapaskuhan at bagong taon, hindi maaaring mawala sa hapag nating mga Pinoy ang mga prutas na hugis bilog.

Mayroon kasing paniniwala sa kultura ng mga Pilipino na ang mga bilog na prutas na ito ay magdadala ng swerte sa pagsalubong natin sa panibagong taon.

Madalas na naka display sa hapag tuwing media noche ang grapes, orange, dalandan, mansanas at iba pa.

Ngunit alam niyo ba na sa bansang China, isang kakaibang uri ng mansanas ang ubod ng mahal dahil sa hindi nito pangkaraniwan na kulay?

Pamilyar saatin ang kulay ng mga mansanas na pula, berde at dilaw ngunit aakalain mo bang mayroon din palang mansanas na kulay itim?

Matatagpuan at tumutubo ito sa kabundukan ng Tibet sa bansang China at tinatawag na ‘Black Diamond Apple.’

Ayon sa mga pag-aaral, ang Black Diamond Apple ay mula sa breed ng Red Delicious apple. Nagiging itim ang kulay nito bunsod ng lokasyon kung saan nakatanim ang puno nito.

Mataas kase ang ultraviolet light na natanggap ng puno nito mula sa araw dahil ito ay nakatanim sa taas na 3,100 meters above sea level. Ito ang dahilan kung kaya’t ang color dark red ng Red Delicious apple ay nagiging dark purple hanggang sa maging kulay itim.

Inaabot ng halos walong taon bago mamunga ang naturang variety ng mansanas habang napaka bihira naman itong matagpuan sa mga pamilihan at tanging sa mga high end supermarkets lamang mabibili sa halagang 50 Yuan o katumbas ng halos P400 ang kada isang piraso.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *