Kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Guinobatan, Albay pumalo na sa 400

LEGAZPI- Kinumpirma ng lokal na gobyerno ng Guinobatan na umakyat na 400 ang kumpirmadong tinamaan ng Covid-19 sa sa kanilang bayan simula noong nakaraang taon.

Ito at matapos na manguna sa record ng Depatment of Health Kahapon sa latest na pinalabas na report ng mga bagong kaso ng tinamaan ng naturang sakit. Matapos ang 20 bagong kaso ng Covid 19 kahapon, umakyat na rin sa 75 ang aktibong kaso at ang mga ito ay mula sa 4 sa barangay Inamnan Pequeno, , 3 sa Morera, tigdadalawa ang Mauraro, Quitago, Malabnog, Calzada, pig iisa naan ang barangay San Francisco, Poblacion, Lower Binogsacan, Banao at San Rafael.

Nilinaw rin nito na sa 75 aktibong kaso, nananatili naman na asymptomatic ang 51 dito.

Patuloy parin ang paalala ng LGU sa mga residente sa minimum health protocols para maiwasan na ang pagkalat ng nakakahawang sakit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *