Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panunumpa ng 55 mga heneral ng Philippine National Police o PNP sa Heroes hall sa Palasyo ng Malacanang kanina.

Sa talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos, muli nitong pinaalalahanan ang mga opisyal ng PNP na walang puwang sa Bagong Pilipinas ang korapsyon, pang aabuso sa kapangyarihan, human rights abuses, at iba pang katiwalian.
Hinimok rin ng Pangulo ang PNP na patuloy na itaguyod ang pakikipag dayalogo at pakikipag tulungan sa komunidad na kanilang pinagsisilbihan, dahil ang pundasyon daw ng epektibong law enforcement ay ang tiwala ng publiko.
Inaasahan din anya ng Pangulo na susundin ng mga bagong heneral ng PNP ang highest standard ng ethics, professionalism at pag galang sa karapatang pantao.
Tiniyak rin ng Punong Ehekutibo na patuloy na gumagawa ng paraan ang gobyerno para sa modernization program ng PNP, kung saan bibigyan sila ng mga makabagong kagamitan at pagsasanay para palakasin pa ang kanilang kakayahan.