Kuwait inanunsyo ang ikapitong gobyerno sa loob ng tatlong taon

Inanunsyo ng Kuwait ang isang bagong gobyerno, ang ikapito nito sa loob ng tatlong taon sa kabila ng malalim na political crisis sa pagitan ng parliament at ng executive.

Sa kabila ng nag-iisang Gulf Arab state na may elected government, nananatiling problema sa Kuwait ang kaguluhan sa pulitika na nagpatigil  sa mga repora sa isa sa pinakamalaking crude oil producers sa mundo.

Noong Enero, nagbitiw si Prime Minister Ahmad Nawaf al-Ahmad Al-Sabah matapos kwestyunin ng mga mambabatas sa pamamahala niya sa pananalapi ng estado at debt relief bill na magbibigay sana ng debt amnesty sa mga Kuwaiti citizens.

Umatras si  Al-Sabah sa political life pabor kay Crown Prince Meshal al-Ahmad al-Jaber Al-Sabah.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *