Kuwaiti foreign minister, ipinangako ang hustisya sa pamamaslang kay Ranara

Nangako si Kuwait Minister of Foreign Affairs Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah na mananagot ang taong nasa likod ng pamamaslang sa OFW na si Jullebee Ranara.

Base sa pahayag ng Philippine Embassy sa Kuwait, nakipagkita na si Sheikh Salem kay Philippine Chargé d’Affaires Jose Cabrera hinggil sa pagpatay kay Ranara na natagpuan ang bangkay sa disyerto.

Tiniyak umano ni Salem na maparurusahan ang suspek, na ngayon ay naaresto at nananatili detensyon facility.

Sinabi rin ng foreign minister kay Cabrera na iparating ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng biktima, maging sa gobyerno ng bansa dahil sa mapait na sinapit ni Ranara.

Nilinaw din ni Salem na ang ginawa ng suspek ay hindi sumasalamin sa karakter at values ng Kuwaiti society, mga Kuwaiti, at sa kanilang gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *