CENTRAL LUZON- Pinalakas ng Department of Health Region 3 ang laban nito kontra sa tuberculosis o TB.
Ito ay sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement kasama ang Department of Social Welfare and Development Region 3 at United States Agency for International Development o USAID.
Layon nitong mapabilis at maging epektibo ang detection, care, treatment at prevention ng Tb.
Ang DSWD ang magsasagawa ng awareness campaign sa pamamagitan ng Be Alive ang adaptive version ng Come Alive Mentoring Approach na binuo ng USAID.
Ang DOH naman ang magbibigay ng technical assistance sa DSWD habang ang USAID sa pamamagitan ng TB platforms project nito ang mangunguna sa diagnostic services tulad ng screening and testing.
Samantala, hinihiling naman ng DOH ang pakikiisa ng lahat para malabanan ang matagal ng problema sa sakit na TB.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Department of Health Central Luzon