Labi ng grade 5 student, nasa PNP Forensics Group na para isailalim sa autopsy

Naihatid na sa PNP forensic group ang labi ng grade 5 student na si Francis Jay Gumikib.

Ito’y para isailalim sa autopsy at madetermina ang sanhi ng pagkamatay nito matapos umanong sampalin ng kanyang guro sa Antipolo City.

Ayon kay PNP Forensic Group spokesperson, PMaj. Solero Rodrigo, maaaring isagawa ngayong araw ang autopsy habang ang report o resulta naman ito ay maaaring tumagal hanggang pitong araw.

Kailangan pa raw kasing pag-aralan ito ng mabuti ng mga doktor.

Samantala, ayon naman kay Antipolo city police chief Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, mahalagang malaman ang kuneksyon ng nangyaring insidente noong September 21 sa pagkamatay ng bata na magpapatibay naman sa kung anong kaso ang isasampa nila laban sa gurong nanakit sa kanya.

Nauna nang sinabi ng PNP na maaaring homicide in relation to child abuse ang maaaring isampang kaso laban sa nanakit na guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *