Labi ng mga nasawing Russian soldiers ibabalik ng Ukraine

Kinumpirma ng Ukraine na ibabalik nila ang mga labi ng mga nasawing sundalo ng Russia sa kanilang bansa

Sa lumabas na report, nakita ang mga sundalong Ukrainian na isinasakay sa isang refrigerated delivery van ang mga labi ng mga nasawi sa Kyiv at Chernihiv regions

Sinabi ni Volodymyr Lyamzin, ang head ng Ukraine civil-military cooperation na ang kanilang hakbang ay naaayon sa “norms ng international humanitarian law”.

Napag-alaman din na maraming refrigerated trains ang nakaparada sa iba pang parte ng bansa.

Una nang inihayag ng Ukraine na umabot sa 20,000 na mga Russian trooper ang nasawi bagamat ang pahayag ng Russia ay mayroon lamang silang 1,351 na nasawing tropa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.