Labi ng pinaniniwalaang ‘bampira’ nahukay ng mga archaeologist sa Poland

Palaisipan ngayon para sa mga archaeologist sa bansang Poland ang natagpuang labi ng isang babae sa sementeryo habang nagsasagawa ng excavation ang mga ito para sa isang research.

Sa report ng Daily Mail, natagpuan ang mga buto ng hinihinalang ‘lady vampire’ kung saan nakabaon sa leeg nito ang isang karit.

Ayon sa mga researchers ang ganitong paraan ng paglilibing ay pinaniniwalaan ‘anti-vampire burial’, kung saan inilalagay ang karit upang putulin ang leeg ng babae sakaling bumangon siya mula sa libingan.

Natagpuan din ang isang silk cap, na nagpapahiwatig ng kanyang marangya na katayuan, pati na rin ang isang malaki, nakausli na ngipin.

Ayon kay Dariusz Poliński, isang propesor at lider ng excavation team,hindi pangkaraniwan ang paglibing sa naturang babae.

“Ways to protect against the return of the dead include cutting off the head or legs, placing the deceased face down to bite into the ground, burning them, and smashing them with a stone.”

Nakita din ang pag-padlocked sa hinlalaki sa paa na sumisimbolo umano ng “the closing of a stage and the impossibility of returning”.

Nabatid na ang libingan ay itinayo noong 17th century, ang panahon kung kailan kinatatakutan ang mga bampira na bumangon mula sa kanilang mga libingan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *