Labing limang indibidwal mula sa Bulacan, tumanggap ng 50 thousand pesos livelihood settlement grant

Natanggap na ng nasa labing limang indibidwal mula sa bayan ng San Rafael, Bulacan ang kanilang 50 thousand 000 Livelihood Settlement Grant o LSG.

Ang LSG ay parte ng implentasyon ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa o BP2 Program sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o SLP at KALAHI-CIDSS ng Department of Social Welfare and Development Region III

Layunin ng programa na matulungan ang mga pamilyang nagbabalik probinsya na magtayo o magkaroon ng permanenteng kabuhayan o pagkakakitaan.

Ang opisyal na awarding ng mga cheke ay pinangunahan at sinaksihan ni DSWD Region III PSPO Ferdinand Jorge Canlas, DPEO Bulacan Provincial Coordinator Edna Tulabut, IPDO Emmanuel Mercado at  PDO II – BP2 Mario Talosig kasama ang mga kawani mula sa Bayan ng San Rafael.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *