Labing tatlong PWD sa Camarines Norte nakatakdang makatanggap ng Prosthesis Assistive Devices

CAMARINES NORTE – Nakatakdang makatanggap ng Prosthesis Assistive Devices ang labing tatlong PWD o Persons with Disability sa Camarines Norte.

Ayon sa Camarines Norte Persons with Disability Affairs Office o Cam Norte PDAO, ang pagbibigay ng mga Assistive Devices katulad ng Prosthesis ay programa ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Cynthia Dela Cruz, PSWD Officer at ni Mr. Gio Delfinado, Focal Person ng Auxiliary Services Program ng mg PWD’s.

Ang tanggapan ng Cam Norte PDAO ay tumutulong sa pag assist sa mga benepisyaryo na may kapansanan kung saan noong nakaraang araw ay nasukatan na ng mga prosthesis assistive device ang labing tatlong benepisyaryo.

Sampu sa mga benepisyaryo ay mayroong Below Knee Prosthesis at tatlo naman dito ang may Above Knee Prosthesis.

Dagdag pa ng Cam Norte PDAO na ang mga makakatanggap ng naturang Assistive Devices ay ang mga PWD na tumugon sa kanilang tawag, nakapag sumite at nakapag-compy sa lahat ng mga kinakailangan na requirements.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *