Labor Secretary Silvestre Bello, nais ipatanggal ang licensure exams

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello na kung sakaling tumakbo siya bilang kongresista sa 2022 elections at manalo ay isusulong niya bilang kaniyang “pet bill” ang pagbuwag sa licensure exams, partikular na sa law at nursing.

Sa isang virtual press briefing ay sinabi ni Bello na inirekomenda niya sa Philippine Nurses Association at sa Board of Nursing na alisin na ang licensure examination.

Ayon kay Bello, mahal mag-aral ng nursing sa panahon ngayon at dagdag pasanin lang ang pagkuha ng board exams.

Iginiit niya na dumdaan na sa maraming pagsusulit at exams ang mga estudyante na nagnanais na makapasok sa nursing profession.

Nabanggit rin ni Bello ang parehong ideya para sa bar examinations ng mga estudyante na nangangarap maging abogado.

Ipinaliwanag ng kalihim na dumadaan na sa matinding pagsubok ang mga ang law students dahil sa apat na taong pre-law, at apat na taong law proper.

Leave a Reply

Your email address will not be published.