Laborer, arestado dahil sa 7 bilang ng kasong panggagahasa sa Tabaco City

LEGAZPI CITY – Arestado ng mga otoridad ang isang laborer na may pitong bilang ng kasong panggagahasa sa Purok 7, Brgy. Matagbac, Tabaco City, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Boyet”, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, umaga nang puntahan ng Tabaco CPS ang kinaroroonan ng suspek upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Marso 29, 2023 dahil sa nabanggit na kaso.

Nang marating ang kinaroroonan nito, dito na siya inaresto, kung saan walang ibinigay na piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *