Laborer na may kasong attempted murder sa Ligao City, arestado

LEGAZPI CITY – Inaresto na ng mga awtoridad ang isang laborer sa Sitio Buga, Purok 5, Brgy. Nabonton Ligao City dahil sa kasong Attempted Murder.

Kinilala ang akusado na si Nicanor Luna Buhatin, 36 anyos ng nasabing barangay.

Ayon sa report, umaga ng puntahan ng mga awtoridad ang lugar na kinaroroonan ng akusado.

Nang maabutan ng kapulisan, dito na isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado pa noong Pebrero 16 2010 dahil sa nasabing kaso.

Aabot sa PHP120,000.00 ang piyansa na ibinigay ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang akusado ay nasa kustodiya na Ligao CPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.