Laborer patay sa bato ng sariling kapatid sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang isang laborer matapos na batuhin ng kaniyang kapatid sa Libmanan, Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP , Hulyo 31 ng tanghali , nadiskubre ng inang si Clarita Alano ng Barangay Sigamot na wala nang buhay sa upuan ang 39-anyos na anak na si Hernan.  Napag-alaman ng Brigada News FM Naga sa Libmanan Police Station na Hulyo 30 ng gabi, nagkakarooon ng diskusyon sa pagitan ng magkapatid na si Roy 27-anyos at  Barangay Tanod na si Joe, umawat si Hernan pero sa pagkapikon kumuha ng bato si Roy at binato ang umawat na kapatid.

Hindi na naidetalye pa ang pangyayari matapos ito, hanggang kinaumagahan na nadiskobre na binawian ng buhay ang biktima.

Ayon kay PSMS Marisol Altamara, Imbestigador ng pangyayari sumuko ang suspek at napag-alaman na ang usong kutsilyong inilalagay sa refrigerator para tumalas umano ang pinagtalunan ng dalawa.

Pag-uusapan pa ang magiging pinal na desisyon kung magsasampa ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *