Lady Gaga, pinuri si Taylor Swift sa pag-open up nito sa kanyang eating disorder

Pinuri lang ni Lady Gaga si Taylor Swift sa pagiging matapang nito sa pag-open up tungkol sa kanyang eating disorder.

Sa TikTok, kumalat  ang isang clip mula sa 2020 Netflix documentary na “Miss Americana” ni Taylor kung saan ikinuwento ng American pop star ang kanyang struggles sa body dysmorphia at isang eating disorder.

Ayon sa “Bejeweled” hitmaker, dati niyang ipinagtanggol ang sarili laban sa sinumang nagpahayag ng pag-aalala tungkol sa kanyang kalusugan.

Sa clip na in-upload ng isang Tiktok user na si @angclswift, ipinahayag ni Lady Gaga ang kanyang paghanga sa katapangan ni Taylor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *