Lahat ng COVID-19 vaccine, pare-parehong epektibo laban sa lahat ng variants ayon kay Roque

Nanindigan ang Palasyo na pantay-pantay ang lahat ng mga bakuna kabilang na ang Chinese brand na Sinovac, sa pagiging epektibo laban sa lahat ng variants ng COVID-19.

Sinabi ito ni Roque sa gitna ng pagkamatay ng maraming doktor sa Indonesia dahil sa COVID-19 sa kabila ng kanilang pagpapabakuna gamit ang Sinovac.

Ipinunto ni Roque na ang pinaniniwalaan niya sa pagkakataong ito ay ang mga doktor tulad nina Dr. Lulu Bravo at Dr. Edsel Salvaña.

Anya, sinabi ng mga dalubhasa na equally effective laban sa lahat ng variants ang mga ginagamit na brands ng bakuna sa bansa.

Ayon kay Roque, alam niya na meron politiko ang nagsasabi na kailangan natin i-prayoridad ang pagkuha ng isang brand kumpara sa iba, ngunit hindi ito akma sa sinasabi ng mga eksperto.

Binigyang diin naman ni Roque na nag-isyu na ang Food and Drug Administration ng emergency use authorization para sa Sinovac, at naisama na rin ito sa Emergency Use List ng World Health Organization.

Naniniwala naman si Roque na premature pa para isisi sa Sinovac ang pagkamatay ng mga doktor sa Indonesia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *