Lalake natagpuang patay sa loob ng kaniyang bahay sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE – Natagpuang patay ang isang lalake sa loob mismo ng kaniyang tahanan sa Purok 8, Barangay Batobalani, Paracale, Camarines Norte noong Sabado ng umaga.

Batay sa ulat sa pulisya, kinilala ang biktima na si Noel Lopez y Deyuda 32 anyos, binata, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Isang opisyal ng barangay ang nagpaabot ng impormasyon sa PNP kaugnay sa natagpuang wala nang buhay na katawan ng biktima

Sa pag responde ng mga operatiba ng Paracale MPS sa lugar ay natunghayan pa ng mga ito na may humigit kumulang dalawang pulgadang haba ng pako na nasa bibig ng biktima na pinaniniwalaang inatake sa puso.

Ayon umano sa mga kamag anak ng lalaki, mayroon umano itong sakit sa puso at my mga iniinom na maintenance medicine.

Dinala sa isang punerarya sa lugar ang biktima para sa autopsy o kaya ay post mortem examination para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *