Lalake sa Cavite arestado matapos mabuking sa pagnanakaw ng mga panabong na manok dahil sa biglaang pag tilaok ng mga ito

NABUKING ang pagnanakaw ng mga manok na panabong ng isang helper na lalake sa Cavite nang bigla itong mag si pagtilaukan habang tinatakas nya ito.

Ayon sa ulat, bandang alas tres ng madaling araw nagtangkang tangayin ng nasabing lalake ang tatlong mamahalin na panabong na mga manok mula sa dalawang katao.

Subalit sa kasamaang palad nabuking siya agad ng mga Brgy Officials sa nasabing lugar dahil biglang magsipag tilaukan at mag ingay ng sabay- sabay ang mga manok na nakatago sa dala dala niyang bag.

Dahil diyan, agad na pinapunta sa baranggay ang nasabing personahe at inaresto dahil saktong sakto sa report ng dalawang katao na nawawalan umano ng mga manok na panabong sa kanilang lugar.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *