Human Interest

Lalake sa France binansagan bilang “Human Spider” matapos ang sunod-sunod na record ng pag-akyat sa mga pinaka-matataas na gusali sa mundo

KAHANGA-HANGA ang hilig ng isang lalake sa France na si Alain Robert matapos itong kilalanin ng Guinness at bansagan bilang “The Human Spider” dahil sa tatlong sunod-sunod nitong record ng pag-akyat sa mga kilalang pinakama-tataas na gusali sa buong mundo.   

Ayon kay Alain nagsimula ang kanyang passion sa pag-akyat noong siya ay walong taong gulang pa lamang matapos nitong mapanood ang 1956 United States  movie na “The Mountain”. Habang nagsimula naman ang kanyang pag-akyat mahigit 30 taon na ang nakakalipas .

Ilan sa mga naakyat niya ay ang The Eiffel Tower, Warsaw’s Marriot Hotel, San Francisco’s Golden Gate bridge, Sydney’s Opera House at ang kayang  record-breaking Burj Khalifa kung saan hawak hawak ni Alain ang titulo  na Fastest time to climb Burj Khalifa Tower the tallest building in the world  unassisted (solo) sa oras na 6 hours ,13 minutes at 55 seconds noong taong 2011 at Fastest time to climb The Torch Doha sa Doha, Quatar unassisted (solo) din sa oras naman na 1 hr 33 min 47 sec.

Dahil diyan, madalas na tinatanong si Alain ng mga tao kung may takot pa ba ito sa katawan niya o talagang na immune na siya sa takot ang sagot diyan ni Alain palagi naman sa una hindi madali sa pagkukwento niya noong bata pa siya takot siya sa lahat pero narealize niya na hindi dapat palaging ganon kelangan niyang gumawa ng paraan at pagtrabahuhan na mawala ang takot at pagkaduwag niya kaya napunta siya sa ganitong klaseng gawain.

Ika nga sabi niya sa  isang podcast “Some people don’t need to be close to the limit of life but I do, I need to be close to my limit.###CD  

BNFM Bicol

Recent Posts

Lalaki nga giingung tagoanan og armas sa mga gun for hire, nadakpan

Nadakpan sa sakop sa Mambaling Police Station pinanguluhan ni Police Major John Lynbert Yango ang…

3 hours ago

Pagkalunod, ikinamatay ni Danica Pajate

CAMARINES SUR- Pagkalunod ang naging sanhi ng pagkamatay ng 18 anyos na dalagang si Danica…

7 hours ago

Transport Sector sa Naga City tutulong sa trapiko sa pagsalubong sa bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY – Pinulong ngayon ng Public Safety Office ang presidente at opisyales ng mga…

7 hours ago

SSS RACE campaign, prayoridad ang empleyado; hindi panggigipit sa mga employers

Nagsagawang muli ang SSS ng tinatawag na Run After Contribution Evaders o RACE noong Biyernes,…

7 hours ago

7 contribution evaders sa Naga City, inisyuhan ng written order ng SSS

NAGA CITY - Inisyuhan na ngayong araw ng written order ang pitong contribution evaders sa…

8 hours ago

Tubig, naging problema ng mga atleta ng Naga City sa unang araw ng Palarong Bicol sa Legaspi City

NAGA CITY – Naging problema din ng mga atleta ng Naga City na kalahok sa…

8 hours ago