Lalake sa U.K, hinarang sa Airport dahil sa mga Caterpillars sa kanyang luggage

NAGULANTANG ang Gatwick Airport sa United Kingdom dahil sa isang 22 years old na lalaki matapos makitaan ito sa kanyang luggage ng napakaraming dried caterpillars kung saan, umabot pa ito sa timbang na 94 kilos.

Ayon sa lalaki ang mga naturang caterpillars na iyon ay pagkain niya  lamang subalit hindi parin ito pinalampas ng mga Customs Officials ng nasabing airport dahil  agad nila itong kinumpiska.

Ipinalinawag naman ng mga kawani ng Gatwick Airport na ang mga pagdadala ng mga produktong karne, isda, itlog at lalo na ng mga caterpillars sa pagpasok ng UK ay mahipigpit na ipinagbabawal ng bansa.  

Base naman sa pag-aaral ang caterpillars o ang larvae ng butterfly ay puwedeng kainin, kaugnay nga nito isa sa sikat na exotic food sa Africa ang caterpillars, sadyang hindi lang talaga lahat open minded pagdating sa mga ganitong klase ng pagkain.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *